THESIS (Pananaliksik) Tagalog
Thesis tagalog Read less
More Related Content
- 1. 1 Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa Isang pananaliksik na iniharap para kay G. John Rey O. Depone Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks) Nina: Hillaine Marie B. Alumia Mark Anne L. Entena Naiseil M. Tamunday Dian Tibay John Michael Escuadro James Ryan Martin Marso 2014
- 2. 2 Dahon ng Pagtitibay Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa “ ay inihanda ng grupo mula sa ipakaapat na taon Daniel nilang bahagi ng katuparan sa proyekto sa asignaturang Araling Panliunan. Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). BB. ANGELYN LINGATONG GNG. CRIZELDA DAVID Guro Guro G. JOHN REY O. DEPONE Punong Guro
- 3. 3 PASASALAMAT Taos-pusong papasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at sa iba pang mga naging bahaging aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpayang pag-aaral na ito. Sa City ENRO at sa buong Sangguniang Panglungsod ng Sta. Rosa para sa paglalaan nila ng kanila ng oras upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon at kaalaman na aming nagamit sa aming buong pananaliksik. Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at serbey. Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikaapat na taon para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik. Kay G. John Rey O. Depone, ang aming minamahal na punong-guro at tagapayo sa asignaturang Ekonomiks, ipinaabotpo naming ang aming pasasalamat dahil sainyong walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin aming ang pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito. Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sapag bibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin. Sa Poong Maykapal, sapag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pag dinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon. Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat. - Mga Mananaliksik
- 4. 4 Talaan ng Nilalaman Pamagat …………………………................................. i Dahon ng Pagtitibay …………………………................................. ii Pasasalamat …………………………................................. iii Talaan ng Nilalaman …………………………................................. iv Talaan ng Talahanayan .…………………………................................ vi Talaan ng Pigura …………………………................................. vii Kabanata I : INTRODUKSYON .................... 1 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral .................... 2 Kahalagahan ng Pag-aaral .................... 2 Paglalahad ng Problema .................... 3 Depinisyon ng mgaTermino .................... 3 Kabanata II : DISENYO NG PANANALIKSIK .................... 4 Metodolohiya at Paglaganap ng mga Datos .................... 4 Iskala at Kwalipikasyon ng Datos .................... 5 Istatistikal na Tritment ng mga Datos .................... 5 Kabanata III : PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS .................... 6 Pagsisiyasat .................... 6 Unang Pagsisiyat .................... 7 Ikalawang Pagsisiyasat .................... 9 Kabanata IV : LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON .................... 12 Lagom .................... 12 Konklusyon .................... 12 Rekomendasyon .................... 13
- 5. 5 Bibliograpiya …………………………................................ 14 Apendiks …………………………................................ 15
- 6. 6 Kabanata I Introduksyon ng Pananaliksik Maituturing nga na isa sa mga nangungunang lungsod sa Pilipinas ang Lungsod ng Santa Rosa kapag pinag-uusapan ang salitang development o kaunlaran. Matatagpuan dito ang ilang malalaking kompanya kagaya ng Coca-Cola, Toyota at iba. Noong nakaraang taon, Ang Santa Rosa ay pang-21 din sa “Most Competitive Cities” sa buong Pilipinas na binubuo ng 122 na lungsod at pang-86 sa “Top 100 BPO sites”. Hindi maitatanggi ang mas mabilis at mas mataas pa na pag-unlad ng ekonomiya nito. Sa kabila ng talino at galing ng mga pinuno sa pagpapaunlad ng ekonomiya, ang bawat bayan ay patuloy na nakakaranas ng maraming suliraning pang ekonomiya, mga suliranin na madalas pinag uusapan na sa maraming talakayan. Ang mga problemang ito ay nagpapatuloy at ang mga mag-aaral ng Ekonomiks ay nararapat lamang na mulat at may kaalaman ukol dito. Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa Lungsod ng Santa Rosa kundi sa buong Pilipinas ngayon ay ang isyu sa sustainable development o napapanatiling kaunlaran. Ayon sa WWF o World WildLife Fund for Nature, ang isang lugar o lungsod na mabilis maging industriyalisado at urbanisado ay maaring mauwi sa pagkasira at pag-abuso sa kapaligiran. Ang mga ito ay maaring magbunga ng mga sumusunod: Pagbaba ng lebel ng tubig dahil sa maling pagkuha at paggamit nito. Pagbabago ng kalidad ng hangin dahil sa patuloy na pagdami ng motorsiklo at sasakyan sa isang lungsod. Pagiging kontaminado ng katubigan dahil sa maling pagdidiskarga ng mga sewage at pagtatapon ng basura. Halos lahat tayo ay nababahala sa mga suliraning pangkapaligiran at ang mga hindi magandang maidududulot nito, ngunit sa kabila nito, hindi natin lubhang malaman kung ano ang magagawa natin tungkol dito. Kung tutuusin, tayo rin ay kasamang nag-aambag sa kasalukuyang paglala ng kondisyon ng ating kapaligiran dahil sa pag-aakalang ang konting dumi na ating ikakalat at konting bagay na ating sisirain ay di naman makakapagpalala dito. Habang dumarami ang ating populasyon at mas nagiging moderno ang mga teknolohiya sa ating bansa, ito ay nagdudulot ng mas marami pang pangangailangan at dahilan din kung bakit bumibilis naman ang pagkasira ng ating kapaligiran. Dahil din sa mga ito , Hindi maiiwasang mapabayaan, maabuso at makalimutan na ng marami ang pangalagaan ang ating kapaligiran, ang ating pinagkukunang yaman. Kaya sa halip na dumami, lumiliit pa ang bilang nito dahilan kung bakit maaring sa mga susunod na taon ay hindi na maging sapat ito para sa atin. Noong Hulyo, 2012 sinimulan at isinulong ng Sangguniang Panglungsod ng Santa Rosa ang City Ordinance No. 1720 o Environment Code of the City of Santa Rosa upang maging isa sa mga solusyon para rito.
- 7. 7 Ang Environment Code ay isang komprehensibong programa sa proteksyon at pamamahala ng kapaligiran. Ito ay binatay sa Presidential Decree No. 1152 o Philippine Environment Code. Ang Environment Code ng Lungsod ng Santa Rosa ay naglalayong itaguyod ang mga tiyak na patakaran sa kapaligiran. Ito ay binubuo ng mga pinagsama-samang ordinansa na umiiral sa Lungsod na tungkol sa kapaligiran. Ang batas na ito ay may layuning mapangalagaan, mapangasiwaan, at matugunan ang lahat ng isyu sa kapaligiran habang pinagtitibay ang ekonomikong pag unlad ng Lungsod ng Santa Rosa at mapaalala sa mga mamamayan ng Santa Rosa hindi lamang ang kahalagahan ng ating kapiligiran kundi para na rin ang kalinisan habang umuunlad ang industriya. Ayon kay Mayor Arlene Arcillas-Nazareno na habang ang Lungsod ng Santa Rosa ay patuloy na umuunlad ay dapat gumagawa ang Pamahalaan ng Lungsod ng mga hakbang upang masiguro ang isang balanseng komunidad. Naisakatuparan ang batas na ito sa tulong ng ilang kompanya at ahensya kagaya WWF, isang ahensya na tumutulong sa ating pamahalaang panlungsod sa mga programa sa kapaligiran partikular na sa mga programang may kinalaman sa water management, at ang Coca-Cola na nagbibigay ng pondo para dito. Kasama sa mga ordinansang, ito ang mga paglulungsad ng programang kagaya ng “Basuranihan” at “Ayoko ng Plastik Campaign”. Ito ay panimulang kampanya para bigyan ng impormasyon ang mga residente na bawal na ang paggamit ng plastic at styropor base sa Section 61, 62, at 63 ng City Ordinance No. 1720-2011 at ang tinatawag na recycling. Ang buong pag-aaral sa Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ay kinapapalooban ng masusing pag-aaral sa iba’t ibang programa na kabilang sa batas na ito at ang magiging kontribusyon pa nito sa napapanatiling kaunlaran. Maipapakita rin dito kung paano magiging balanse ang anumang kaunlaran, at kung ano ang magiging kaugnay nito sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa pagtatapos nito ay makikita kung paano tinugunan ng mga indibidwal, kompanya at ng pamahalaan ang isyung ito at kung paano ito magiging solusyon sa isa sa mga mabigat na suliranin sa ating bansa. ANG PAG-AARAL NITO AY MAGIGING KAPAKI-PAKINABANG SA MGA SUMUSUNOD: Sa ating Sangguniang Panglungsod at iba pang organisasyong kabilang dito. Para mabigyan ng pagpapahalaga ang pagsisikap na kanila ginagawa. Sa pamamagitan nito ay mahihimok sila ay mabibigyan ng inspirasyon upang ipagpatuloy pa at mas pagbutihin pa ang mga ito. Ito rin ay magsisilbing gabay at hamon upang mas mapagbuti pa ang mga susunod pang batas na kanilang ipapatupad. Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng sila interes na pag-aralan ang ekonomiks at ang iba pang bagay na kaugnay masasaklaw nito. Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa kahalagan ng sustainable development at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga bagay-bagay kung paano at para saan ang mga ito at mabigyan din ng kasagutan ang iba pang katanungan tungkol dito. Sa mga Rosenians at iba pang komunidad. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong hindi lamang para maunawaan ang magiging papel ng Environment Code sa ating lungsod ngunit pati narin ang pagkakaroon ng balanseng pag-unlad sa industriya habang
- 8. 8 pinangangalagaan at pinepreserba ang kapaligiran upang mapakinabangan pa sa mga susunod na panahon. Sa mga susunod pang henerasyon. Upang malaman nila ang dahilan kung bakit hanggang sa kanilang panahon ay patuloy pa ring napapakinabangan ang ating kapaligiran at upang maipagpatuloy nila ang nasimulan. SA PAGTATAPOS NG PAG-AARAL SA ENVIRONMENT CODE, INAASAHANG MASASAGOT ANG MGA SUMUSUNOD: Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? Paano naisasakatuparan ang batas na ito? Anu-ano ang mga problemang kinaharap at kakaharapin pa sa pagpapatupad nito? KAHULUGAN NG MGA SALITANG GINAMIT SA PAGSASALIKSIK: EnvironmentoKapaligiran - binubuo ng hangin, tubig, at lupang nakapaligid sa atin. Ang tatlong sangkap na ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang serbisyo at material, kasama na rito ang lugar na ating tinitirhan at mga likas na yamang pinagkukunan ng iba’t ibang produkto at pangangailan ng mga mamamayang naninirahan dito. Development o Pag-unlad- ito ay ang pagbabago na may positibong epekto. Economic Development o Ekonomikong Pag-unlad - karaniwang tumutukoy sa pag-angkop ng mga bagong teknolohiya, paglipat mula sa agrikultura sa industriyang ekonomiya, at pangkalahatang pagpapabuti sa pamumuhay pamantayan. Sustainable Development – tumutukoy sa pag-unlad ng tao sa kung saan ang mapagkukunan paggamit ay naglalayong masapatan ang mga pangangailangan ng tao habang pinapanatili ang kapaligiran upang ang mga pangangailangan ay maaaring matugunan hindi lamang sa kasalukuyan, ngunit din para sa mga henerasyon darating. Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. Papel – ito ay tumutukoy sa pagiging parte, tungkulin o responsibilidad na dapat gawin.
- 9. 9 Kabanata II DISENYO NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos pati na rin ang bilang ng mga respondete na nakilahok sa pananaliksik. METODOLOHIYA AT PAGLAGANAP NG MGA DATOS Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik at pakikipagpanayam. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang pag aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Ang pangangalap ng datos ay nagsimula noong Enero 30, 2014 hanggang Pebrero 10, 2014 at ang huling pakikipagpanayam na isinagawa ay naganap noong Marso 10, 2014. Sa pangangalap ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng liham ng paghingi ng pahintulot upang makahingi ng permiso sa pagkuha ng mga datos at upang makapagsagawa ng panayam sa mga kawani ng lungsod. Ang serbey ay nilahukan ng mga respondentena nagmula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga kalahok sa papanaliksik ay binubuo ng 20 respondente ang unang serbey at 47 naman sa pangalawang serbey. Ang pakikipagpayanam naman ay kadalasang isinasagawa tuwing Lunes at Huwebes sa Sanguniang Panlungsod, kabilang sa aming napakinayam ang pangalawang-punong lungsod ng Santa Rosa, ilang kagalang-galang na konsehal, at mga kawani ng Sangguniang Panglungsod, City ENRO at ilang barangay. Ang mga dokumento na ibibigay ng Senior Environment Management Specialist ng City Enro at iba pang sa ahensya ng Lungsod ay nakatulong upang matukoy ang maitutulong ng Environment Code sa buong Lungsod at iba’t ibang programang kanilang sinisagawa upang maisagawa ang batas na ito. Ang mga nakolektang datos ay nasagot ang sumusunod na problema: 1.) Ano ang naging papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) Paano naisakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinaharap at kakaharapin pa sa pagpapatupad nito?
- 10. 10 ISKALA AT KWALIPIKASYON NG DATOS (SCALE AND QUALIFICATION) 1.00-1.79 – Matindi ang di pagsang-ayon (Strongly Disagree) 1.80 – 2.59 Di sang-ayon (Disagree) 2.60 – 3.39 Katamtaman ang pagsang-ayon (Moderately Disagree) 3.40 – 4.19 Sang-ayon (Agree) 4.20 – 5.00 Matindi ang pagsang-ayon (Strongly Agree) Istatistikal na Tritment ng mga Datos Istatistikal na Tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng mean upang makuha ang ninanais na detalye at impormasyon. Ang mga ito ay itinutuos sa pamamagitan ng sumusunod: = Mean = Kabuuang marka N= Kabuuang dami ng respondente
- 11. 11 Kabanata III Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga respondentena lumahok dito ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng Santa Rosa. I. Pagsisiyasat Pagpapatupad at Implementasyon ng Environment Code Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa ating lungsod kundi sa buong daigdig ang isyu na napapanatiling kaunlaran ngunit ano nga ba ang kahulugan ng napapanatiling kaunlaran o sustainable development? Ayon sa isang Senior Environmental Management Specialist ng Santa Rosa, na si G. Jayson Bunyi , ang sustainable development ay ang kaunlaran sa kasalukuyan na hindi naisasantabi ang pangangailangan sa susunod na henerasyon. Isa itong paraan kung paano mapapalagaan ng mga indibidwal at bansa ang kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad nito. Samantala, para naman kay G. Eric Puzon, ang sustainable development ay hindi lamang tumatalakay sa kaunlaran kundi sa proseso ng pagawa ng mga siyentipikong desisyon, obserbasyon at pag-aanalisa bago magpasya sa pagsasagawa ng iba’t-ibang programa na tutugon sa pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya kailangan ikonsidera nito ang mga kilos ng mga mamamayan at ang magiging epekto nito sa lipunang kanyang ginagalawan. Sinimulang ipatupad ang Environment Code noon Hulyo 2012, bilang pagtugon sa suliranin sa sustainable development. Batay sa aming pakikipagpanayam kay G. Puzon, naging positibo ang tugon ng mga kapwa nya konsehal tungkol dito at naniniwala sila na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment code ay makakatulong ang bawat mamamayan sa paglutas ng “Climate Change pati narin sa patuloy na pagpapaganda atpagsasaayos ng kapaligiran pati na rin sa paglago n gating eknomiya. Sa pagpapatupad ng batas na ito ay matutunan din natin kung paano maging isang responsible at matinong indibidwal. Talahanayan I. Taon Puntos 2012 7 2013 4 2014 4 Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng mga puntos na ibinigay ni G. Eric Puzon sa bawat taon ng pag-ipinapatupad ang Environment Code sa lungsod ng Santa Rosa. Makikita na sa unang taon ng pagpapatupad nito, ay mayroon itong 7 puntos dahil, ito ay
- 12. 12 nagpapahiwatig ng positibong epekto sa mga mamamayan ng Santa Rosa pati narin sa buong Lunsod at ang akitibo ng lungsod sa mga sinasabing “Awareness Program”. Sa mga sumunod na bumaba sa 4 na puntos ang bilang ng grado nito. Ayon sa kanya, isa sa malaking dahilan ng pagabab nito ay hindi na pagbibigay ng sapat na pansin at atensyon ng ating pamahalaang panlungsod ang pagpapatupad dito. Bilang rekomendasyon, hinikayat niya na bumuo ng mga organisyasyon ang mga kagaya naming mag-aaral upang makatulong sa pagsasagawa ng mga obserbasyon sa pag iimplementa ng mga batas, at magsagawa ng mga hakbang upang mabigyan pansin ang mga nakikitang problema at hadlang sa papapatupad nito. Dagdag pa nya, ang bawat isa ay dapat magsilbing modelo sa paggawa ng mga simpleng bagay na makakatulong sa pagpapatupad nito sa loob man o sa labas n gating lungsod. Naniniwala siya na hindi ipapatupad at maisasagawa ang batas na ito kung wala ang tulong ng bawat isa. II. Pagsisiyasat Unang Pagsisiyasat: Ang unang pagsisiyasat na naisagawa ay binubuo ng 20 respondente layunin nito na malaman kung ilan ang bilang ng mamamayan na may kaalaman tungkol sa pagpapatupad ng Environment Code. Porsyento ng Dami ng Nakakaalam ng Environment Code Oo Hindi Ang Pigura I ay nagpapakita ng porsyento ng dami ng nakakaalam ng Environment Code sa 20 respondente na nakihalok sa aming pananaliksik. Sa pigurang ito makikita na 6
- 13. 13 lamang sa 20 respondente ang nakakaalam ng Environment Code at ilan sa mga ito ay hindi pa sapat ang kaalaman tungkol dito. 25 20 15 10 5 0 Mga Programa ng Santa Rosa na may kinalaman sa Environment Code A B C D E F G H I J K L M N Dami ng Nakakaalam A. Ayoko sa plastic Campaign B. Basuranihan C. Smoke-Free Santa Rosa D. Tree Planting Campaign E. Charcoal Briquetting Livelihood Program F. Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project” G. Green House Gas (GHG) Inventory seminar workshop H. Clean-up and maintenance of river, I. creeks, canals and other water bodies J. Philippine Sanitation Alliance Project K. Integrated Water Resources Management Project L. Well Head Management Project M. Solid Waste Management N. Regular street sweeping along major thoroughfares, City and Barangay roads. O. Bantay LAWA Project Ang Pigura II ay nagpapakita ng mga listahan ng programa ng ating lungsod upang maisagawa ang pagpapatupad sa Environment Code. Ito rin ay nag papakita kung ilan sa 20 respondente ang nakakaalam ng sumusunod na programa. Ang may pinaka mataas na bilang ay ang “Ayoko sa Platik Campaign” na may bilang na 20/20 samantala ang pinakamababa naman ay ang Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project”, Integrated Water Resources Management Project, Well Head Management Project na 1 lamang sa 20 respondente ang nakakaalam.
- 14. 14 Pangalawang Pagsisiyasat: Ang mga sumusunod na aytem ay ang mga impormasyon na nalikom mula sa ating City Environment and Natural Resources Office. Ayon sa kanila ang mga ito ay ang mga ginagampanang papel ng Environment Code sa Santa Rosa at ang mga hakbang o proyekto na kanilang ginagawa upang maisakatuparan ito. Kabilang rin sa mga item na kanilang binigay ang mga suliranin na kanilang kinakaharap habang pinapatupad ang batas na ito, I. Ano ang papel ng Environment Code sa pagakakroon ng sustainable development ng Santa Rosa? Mga Aytem Mean Deskripsyon 1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 4.30 Matinding Pag Sang-ayon 2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 3.95 Sang-ayon 3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan 3.72 Sang-ayon 4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 3.89 Sang-ayon 5. Nakakapanghikayat ng mga turista 3.72 Sang-ayon 6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 3.74 Sang-ayon 7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 3.45 Sang-ayon 8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 3.53 Sang-ayon 9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 3.70 Sang-ayon 10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 3.74 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.77 Sang-ayon
- 15. 15 Ang Talahanayan II ay nagpapakikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa Papel na ginagampanan ng Environment Code sa Santa Rosa. Ang mga repondente ay matinding sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay mas mapapaganda at mas magiging maayos ang ating lungsod. Ang ilang respondente ay naniniwala rin na sa pamamagitan ng Environment Code ay mas dadami pa ang oportunidad para sa mga namumuhunan at makakatulong ito upang tumaas pa ang empleyo sa ating lungsod. II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? Mga Aytem Mean Deskripsyon 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 4.09 Sang-ayon 2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 3.62 Sang-ayon 3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 3.55 Sang-ayon 4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol ditto 3.66 Sang-ayon 5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at kalikasan 3.86 Sang-ayon 6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dit 3.79 Sang-ayon 7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 3.51 Sang-ayon 8. Pagkakaroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para samga negosyo, mga kompanya at pabrika. 3.62 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.71 Sang-ayon Sa Talahanayan III makikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng ating Sangguniang Panglungsod upang maisakatuparang ang Environment Code. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran ang nakakuha ng pinakamataas na mean at may kabuuang mean naman ito na 3.71 na nangangahulugang sang-ayon ang mga respondente na ang lahat ng hakbang na ito ay makakatulong upang maisakatuparan ang nasabing batas.
- 16. 16 III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? Mga Item Mean Deskripsyon 1. Kawalan ng sapat na pondo 3.96 Sang-ayon 2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 3.57 Sang-ayon 3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 3.89 Sang-ayon 4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang mamamayan 3.68 Sang-ayon 5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, Sila mismo ay hindi sumusunod dito 3.74 Sang-ayon 6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 3.94 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.80 Sang-ayon Samantala, Sa Talahanayan IV mabibigyang pansin ang mga pangunahing suliranin sa pagpapatupad nito. Ayon sa serbey ang pangunahing suliranin dito ay ang kawalan ng pondo ng ating pamahalaang pang lungsod upang maipatupad ang mga iba’t-ibang programa na makakatulong upang maisakatuparan ang batas na ito habang pumapangalawa nmn sa mga dahilan nito at ang kawalan ng atensyon ng ating gobyerno at mamamayan na may 3.94 na mean. Mapapatunayan din na sumasang ayon ang mga respondente kailangan manguna sa pagsunod at pagtupad ng batas na ito ang mga kawani ang pamahalaan upang sila mismo ay magsilbing magandang halimbawa upang hindi na magdadagan pa ang mga suliranin na kakaharapin pa dito at Makita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa ay displinado.
- 17. 17 Kabanata IV LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon ng buong pag-aaral. Problema: 1.) Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa sa pagpaaptupad nito? Lagom: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay magiging solusyon upang patuloy na umunlad ang Santa Rosa at matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan nito ng hindi naisasakripisyo ang mga pangangailangan sa susunod na henerasyon. Ang alituntuning ito ay magsisilbing basehan para sa tama at maling pangangalaga sa ating lungsod at ito rin ay magiging batayan kung paano mabibigyan kaparusahan ang mga lalabag dito. Makakatulong rin ito upang maagapan ang tuluyan pagkasira ng yamang tubig ng ating lungsod paglipas ng 25 taon. 2.) Ang Sanguniang Panglungsod ay nagsasagawa ng programa at proyekto upang mas mapaigting pa ang pagpapatupad sanasabing batas. Ang City ENRO ay nagsasagawa ng iba’t ibang regulasyon sa iba’t ibang kompanya at negosyo na nasa loob ng Santa Rosa, kagaya ng pagkuha ng mga business clereance sa City ENRO. Nagsasagawa rin sila ng mga caravan at seminars sa iba’t ibang barangay upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman tungkol sa Environment Code. 3.) Ang pangunahing problema na kinakaharap sa pagpapatupad ng batas na ito ay ang kawalan ng pondo mula sa pamahalaang panglungsod, kawalan ng atensyon, kaalaman at disiplina ng mga mamamayan ng Santa Rosa. Konklusyon: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code ay hindi lamang makakatulong upang magkaroon ng sustainable development ng Santa Rosa, kundi nakakatulong rin ito upang mas mapaganda at mas maisaayos ang buong lungsod ng Santa Rosa. Ang pagpapatupad din nito ay magdudulot ng magandang epekto sa iba’t ibang aspeto sa ekonomiya ng Santa Rosa upang mabalanse ang anumang kaularan dahil kung mapapabayaan ang isang aspeto, magiging kulang ang kaularan na maaring magresulta sa hindi magandang epekto sa hinaharap. 2.) Ang mga Roseñians ay sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ay mas magiging mahusay ang pagpapatupad ng batas na ito. Sa ganitong paraan mas mapapalawak pa ang kaalaman at kamalayan sa bawat mamamayan ng Santa Rosa. 3.) Karamihan sa mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito ay nagmumula rin mismo sa organisasyon at ahensyang responsible dito kagaya ng hindi pagbibigay ng atensyon sa pagpapatupad ng batas na ito, kawalan ng sapat na pondo at kakulangan sa pagbabahagi ng kaalaman sa mamamayan.
- 18. 18 Rekomendasyon: 1.) Dapat mas lalong ipabatid ng ating pamahalaan sa mga mamamayan ang magandang maidudulot ng papapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa at dapat paghigpitan at bigyan ng kaukulang parusa naman ang mga residenteng lalabag sa mga bawat at mang-aabuso sa ating kapaligiran sa ganoong paraan ay maraming mga residente sa Santa Rosa ang makikilahok sa pagsunod at pagtupad nito. 2.) Ang pamahalaang panglungsod ay dapat pagpag-igtingin ang mga programa na may kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman at pangangalaga ng ating kapaligiran upang mas maunawan at makita ng mga mamamayan ang kahalagahan sa pagpapatupad ng batas na ito at malaking maitutulong ng ating kapaligiran kung mapapangalagaan ito. 3.) Ang mga kawani ng ating Sangguniang Panglungsod ay dapat magsilbing isang magandang halimbawa sa pagsunod at pagtupad sa Environment Code, sa pamamagitan nito makikita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa na ang bawat isa ay dapat maging disiplinado at edukado upang magpaunlad pa ang iba’t ibang aspeto ng ating ekonomiya. Sila na pinuno ng ating lungsod at dapat nauunuwaan ang batas na ito at kung bakit mayroon nito. Ang ating pamahalaan ay dapat din magbigay pansin ang pagsulong nito at magkaroon ng sapat na pinagkukunang pondo upang mas mapagtibay pa ang paggawa ng mga hakbang sa pag-iimplementa nito. .
- 19. 19 Bibliograpiya City of Santa Rosa Environment Code (City ordinance No. 1720 – Series of 2011) www.santarosalaguna.wordpress.com Land Developers Guide Book for Santa Rosa Watershed ( Reference Storm Water Management 2011) http://en.wikipedia.org/wiki/Santa_rosa_Laguna Roar Magazine: Vol. 1 No. 1 Roar Magazine: Vol. 2 No. 2 www.santarosagov.ph Solid Wate Management Made East: A Do-It Yourself Guide to a Community-Based Ecological Solid Waste Management Program http://torokastiguhin.blogspot.com/2012/02/mayor-arcillas-ayaw-ng-plastik.html
- 20. 20 Apendiks “Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ng Santa Rosa.” (Questionnaire) Ano ang tinatawag na Sustainable Development o napapanatiling pag-unlad? Ano ang Environment Code? Ano ang magiging papel nito upang maisagawa ang sinasabing sustainable development sa Santa Rosa? Paano naipapatupad ang batas na ito? Saan nang gagaling ang pondong ginagamit para dito? Anu-ano ang mga programang nakapaloob dito? Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad ng Environment Code? Ano ang magiging epekto ng Environment Code sa pag-unlad ng ekonomiya ng Santa Rosa? Ano ang maitutulong nito sa mga mamamayan ng Santa Rosa?
- 21. 21 Serbey tungkol sa “Pag-aaral ng implementasyon at kahalagahan ng Environment Code ng Sta. Rosa” Ang Serbey na ito ay isinasagawa ng mga estudyante ng Blessed Christian School na nasa Ika-apat na taon. Anumang partisipasyon at kooperasyon ang inyong ibibigay ay buong puso nilang tatanggapin at tatanawing utang na loob. Ang anumang sagot sa instrumentong ito ay mananatiling pribado at gagamitin lamang sa pag aaral na ito. Pangalan: _____________________________ Barangay: _______________________________ Trabaho: _____________________________ Edad: ______ 1. Alam n’yo ba ang Environment Code ng Sta. Rosa. Kung Oo, paano ninyo ito nalaman? ___ Oo ____Hindi ____________________________________________________________________________ 2. Alin sa mga sumusunod ang mga nakikita niyong ginagawa ng inyong barangay o lungsod sa pagpapatupad ng nabanggit na batas. (Lagyan ng tsek.) o “Ayoko sa plastic Campaign” o Basuranihan o Smoke-Free Santa Rosa o Tree Planting Campaign o Charcoal Briquetting Livelihood Program o Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project” o Green House Gas (GHG) Inventory seminar workshop o Clean-up and maintenance of river, creeks, canals and other water bodies o Philippine Sanitation Alliance Project o Integrated Water Resources Management Project o Well Head Management Project o Solid Waste Management o Regular street sweeping along major thoroughfares, City and Barangay roads. o Bantay LAWA Project 3. Alin sa mga proyekto/programa na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan ang tingin mo ay may nag bibigayang pansin at epektibo rito ang Lungsod ng Sta Rosa ? ____________________________________________________________________________________ Aling proyekto naman ang dapat pagtutuunan ng pansin? ____________________________________________________________________________________ 4. Naniniwala ka ba na mahalaga ang papel ng Environment Code sa pagtataguyod ng Lungsod ng napapanatiling kaunlaran? Bakit? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ Comments and Suggestions: ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________
- 22. 22 PAG-AARAL SA IMPLEMENTASYON AT KAHALAGAHAN NG ENVIRONMENT CODE NG SANTA ROSA NAME: ______________________________ Barangay: _________________________ 5- STRONGLY AGREE 4- AGREE 3- MODERATELY AGREE 2- DISAGREE 1- STRONGLY DISAGREE I. Ano ang papel ng Environtment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 5 4 3 2 1 2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 5 4 3 2 1 3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 5 4 3 2 1 5. Nakakapanghikayat ng mga turista 5 4 3 2 1 6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 5 4 3 2 1 7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 5 4 3 2 1 8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 5 4 3 2 1 9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 5 4 3 2 1 10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 5 4 3 2 1 II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 5 4 3 2 1 2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 5 4 3 2 1 3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 5 4 3 2 1 4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol dito 5 4 3 2 1 5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at kalikasan 5 4 3 2 1 6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dito 5 4 3 2 1 7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 8. Pagkaakroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para sa 5 4 3 2 1 mga negosyo, mga kompanya at pabrika. III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? 1. Kawalan ng sapat na pondo 5 4 3 2 1 2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang 5 4 3 2 1 mamamayan 5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, 5 4 3 2 1 Sila mismo ay hindi sumusunod ditto 6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 5 4 3 2 1
Academia.edu no longer supports Internet Explorer.
To browse Academia.edu and the wider internet faster and more securely, please take a few seconds to upgrade your browser .
Enter the email address you signed up with and we'll email you a reset link.
- We're Hiring!
- Help Center
Download Free PDF
Format-thesis-filipino
Related papers
Ang Asignaturang Filipino ay kabilang sa K to 12 Curriculum na idinisenyo ng mga eskperto sa Kagawaran ng Edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa Asignaturang Filipino at maging pagpapahayag ng kanilang mga ideya at saloobin sa paraang pasulat ay apektado. Kapansin-pansin na nawawalan sila ng kawilihan, kadalasang hindi pinakikinggan ang mga aralin at kinatatamaran ang pagsulat kung nakasusulat man ay kulang sa kasanayan. Kaya't ninais ng mananaliksik na gumamit ng ibang estratehiya na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga magaaral, ang Cloze Passage bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino. Ginamit sa pananaliksik ang eksperimentalna disenyo, Pauna at Panghuling Pagsulat ng Sanaysay (Pre-test& Post-test) upang matamo ang mga layunin ng pag-aaral: (1) Ano ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ba...
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabalido ang MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino Piling Larang Akademik. Malaman ang lebel ng na debelop na MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino sa Piling Larang Akademik batay sa nilalaman, pormat, pesentasyon at organisasyon, at kawastuhan. Ang mga mungkahi at komento sa MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino Sa Piling Larang Akademik. Ang disenyong deskriptib-Sarbey ang ginamit sa paglikom ng mga datos na kinailangan sa pag-aaral Sa pagkuha ng performance lebel ng mga mag-aaral pinagbatayan ang resulta ng lagumang pagsusulit na nakabatay sa nabuong MELC-Based Learning Activity Sheets. Ang iskalang ginamit ay mula sa Deped order no 8 s. 2015, Policy Guidelines on Classroom assessment for K to 12 Basic education Program sa pagkuha ng deskripsyon ng kinalabasang resulta. Sa balidasyon ng MELC-Based Learning Activity Sheets ginamit ng mga eksperto ang tseklis na mula sa Learning Resource Management and Development Sy...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga sariling komposisyon ng panitikang pambata at antas ng pang-unawa. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ngPanitikang Pambata bataysa nilalaman,layunin,disensyo/istilo, kasanayan/gawain; Ano ang antas ng pang-unawa ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata batay sa Pang-unawang Literal at Pang-unawangKritikal; May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata at Antas ng Pang- unawa sa Pagbasa; Ang pamamaraang palarawan-correlation ang ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pananawng mga tagasagot sa Mga Sa...
Kritike: An Online Journal of Philosophy, 2017
This study is a tribute to the late great Filipino-philosopher Emerita S. Quito (11 September 1929-17 September 2017). This paper highlights her contention regarding the role of decolonization as a necessity for the restoration of Filipino identity. This paper is divided into three parts: the first part introduces Quito as one of the country's unique philosophers who aspired for the greater glory of the Filipino people; the second part features her thoughts on Filipino identity and decolonization as the ultimate symbol of her intellectual journey as a philosopher and patriot; and lastly, we shall try to show the weaknesses and limitations of Quito's views.
Teaching Mathematics and Computer Science, 2006
Teaching word processing is confined to looking through some menus and showing some functions of a word processor program, although technology presents just a small part of forming layouts. This fact causes that people who are writing documents spend a lot of time by trying to form, e.g., title pages or inner pages. The present paper deals with a design of an online course on word processing that fits better the needs of many users. The online course is designed for teaching (L A)T E X by leading the students to the technical issues of the typesetting system through layout and grammar rules: demonstrates the most important basic recommendations of typography and grammar rules through samples, and shows how to program the currently displayed layout in the (L A)T E X programming languages. This methodology suits better the common working habit, and can be a useful help in word processing documents.
International Journal of Research Studies in Education
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang makabuo ng isang glosaryong babasahin ng mga salitang ginagamit ng mga Balayeñong mangingisda, matukoy kung saang bahagi ng panalita nabibilang ang mga salitang nakalap, mabigyan ng natatanging kahulugan at maipabalideyt ang glosaryong nabuo. Ang nasabing pananaliksik ay nasa kuwalitatibo at kuwantitatibong disenyo at ginamitan ng convenience sampling sa pagpili ng mga kalahok. Ang bilang ng mga kalahok ay may kabuoang 30, kung saan 25 ay mga mangingisda na nagmula sa mga baybaying barangay ng Balayan, Batangas at limang guro na silang nagsilbing eksperto at nagbalideyt ng nabuong glosaryo upang makita kung naging katanggap-tanggap ang kabuoan ng awtput. Matapos maisagawa ang pangangalap ng datos, nakalikom ng 170 na mga salita ang mga mananaliksik ngunit 91 lamang dito ang pinili at isinama sa glosaryo dahil may mga pagkakataong nauuulit ang ibang mga salitang naibahagi. Sa balidasyon ng pagtingin sa acceptability sa pagpapakahulugan sa mga...
The Normal Lights
Layunin ng pananaliksik ang makabuo ng mga lunsarang aralin at gawaing angkla sa MELCs o Most Essential Learning Competencies sa primaryang antas. Pangunahing metodo ang disenyong palarawan at pagbuo ng mga lokalisado at kontekstuwalisadong may temang katutubo, kabuhayan, kalinangan, kapaligiran, at diskursong kasarian na angkop sa pagtuturo sa anyong modyular, harapan, o blended. Ginamit ang sarbey at panayam sa mga piling kalahok. Lumabas sa pag-aaral na epektibo ang mga aralin kapag nakadikit sa karanasan, kaligiran, at interes ng mga mag-aaral. Ang mga kontekstuwalisadong aralin na pinagtibay sa konteksto ng pandemya at bagong kadawyan o new normal ay mainam na gamiting sandigang kaalaman sa kasanayan at kahusayang komunikatibo sa Filipino at iba pang kaugnay na disiplina.
Trends in Pharmacological Sciences, 2001
International Journal of Research Studies in Education, 2021
This study aims to identify the condition of the teachers on Webinar on the following: The use of technology, Internet connection and Time; Find out teacher's perspective on webinar according to; content, relation to present condition and the use for teaching; Suggestion for conducting a webinar. Descriptive phenomenological is used in the research. Respondents of this study were selected using purposive sampling. Respondents of this study were from Juban District compose of 1 teacher from Elementary, Junior High School and Senior High School. Questionnaire was used in an interview to gather needed data. This study finds out teachers' condition on webinar according to the use of technology, Internet connection and time. The use of technology, slow internet connectivity and time during webinar have impact on the learning of the participants during webinar. Topics discussed on webinar is timely because this is related to teaching strategies during pandemic. New teaching strategies and learning resources were part of the topics in webinar as important needs in education. The researcher recommends that gadgets such as cellphone, laptop or technologies that are manipulative are to be consider during webinar. Provides a better internet connection and time frame are to consider. Wider information and learning are to be shared and discussed to be use by the teacher in the present condition of Education.
Loading Preview
Sorry, preview is currently unavailable. You can download the paper by clicking the button above.
Shindy Auliya, Dr. Eka Titi Andaryani, S.Pd., M.Pd, 2023
Journal of Engineering and …, 2009
Arheologia Moldovei, 2022
Revista Venezolana De Gerencia, 2018
Religions, 2020
Optics Express, 2012
International Journal of Agriculture and Biology, 2014
Tourism Management, 2015
Phys. Chem. Chem. Phys., 2015
Proceedings of the Western Pharmacology Society, 2003
Jurnal Pengembangan Penyuluhan Pertanian
Australian Economic Papers, 1998
Critical Care Medicine, 2020
Lecture Notes in Computer Science, 2016
Journal of open source software, 2024
Blucher Design Proceedings, 2017
- We're Hiring!
- Help Center
- Find new research papers in:
- Health Sciences
- Earth Sciences
- Cognitive Science
- Mathematics
- Computer Science
- Academia ©2024
Home > ETD > DEP_FIL > ETDD_FIL
Filipino Dissertations
Theses/dissertations from 2024 2024.
Lagëng hu nanangën: Saysay at pagsasalaysay ng mga nanangën bilang dalumat ng kamalayan ng mga katutubong Bukidnon , Heidi C. Atanacio
Kapatid mentor ME (KMME) program at ang paglinang ng mga kultural, panlipunan, simbolikal at emosyonal na kapital ng mga mentee sa Lungsod ng Malolos, Bulacan , Catherine C. Cocabo
Isabuhay: Isang larong disenyo para sa mga diskurso ng mga wikang katutubo , Mariyel Hiyas C. Liwanag
Isang case study tungkol sa dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong aeta sa Tarlac , Shindy Abigael P. Morales
Theses/Dissertations from 2023 2023
Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan , Gian Carlo G. Alcantara
Ang animo sa sikolohiyang Pilipino: Ang kasaysayan, diskurso, at direksyon ng SP sa DLSU-CLA , Deborrah Sadile Anastacio
Ana Khadama: Mga kuwento ng pandarahas, paglaban, at pagsasakapangyarihan ng kababaihang domestic helpers sa Saudi Arabia , Juanito Nuñez Anot Jr.
Mga ideolohiyang politikal ng mga piling obra ng sining saysay na nakatanghal sa gateway gallery , Rose Pascual Capulla
Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya , Lailanie Miranda Gutierrez
Bató bató sa langit, biyayà ng mala/sákit! Mga naratibong danas ng mga piling Pilipinong kidney transplant recipient at kidney donor , Flordeliza Sala Rodulfo
Ang mga kapital ni Bourdieu at ang pagpapamana ng mga santo: Tatlong case study sa mga trans-henerasyonal na pamilyang kamarero sa Lungsod ng San Pablo, Laguna , Princess Gissel Dionela Servo
Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people , Crislie Lumacang Unabia
Theses/Dissertations from 2022 2022
Talab wika sa buhay ng mga marriage encounter couple na lingkod parokyano ng St. Clare of Assisi Parish, Brgy. NBBS, Navotas, at Brgy. Longos, Malabon , Ramilito B. Correa
Theses/Dissertations from 2021 2021
Pun Nomnoman: Kultural na sentimyento sa korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang ambag sa Araling Pilipinas , John Angiwan Amtalao
Uswag Kalinangan Tungo sa Pagbuo ng Mungkahing Programa para sa mga Mulusiyano sa Pamantasang Notre Dame , Jun Yang Badie
Uswag kalinangan tungo sa pagbuo ng mungkahing programa para sa mga Mulusiyano sa Pamantasang Notre Dame , Jun Yang Badie
ImaheNasyon: Mga maikling pelikula ng Cinemalaya (2005-2020) at ang pagharaya ng bansa , David R. Corpuz
Sosyolingguwistikong paglalarawan ng varayti ng tagalog sa lungsod ng Lipa , Robelyn Penid Cunanan
Sanib wika: Mungkahing modelo sa pagbuo ng patakarang pangwika ng MTB-MLE , Gaudencio Luis Noleal Serrano
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) , Maridel D. Villalon
Br. Andrew B. Gonzalez, FSC: Pantas ng pananaliksik at edukasyong Pilipino , Joseph Reylan Bustos Viray
Theses/Dissertations from 2018 2018
Surutentayo ni Isabelo De Los Reyes (follow Isabelo De Los Reyes): Mga kabatiran at aral para sa kontemporanyong araling filipino , Leslie Anne L. Liwanag
Advanced Search
- Notify me via email or RSS
- Collections
- Disciplines
- Colleges and Units
- Submission Consent Form
- Animo Repository Policies
- Submit Research
- Animo Repository Guide
- AnimoSearch
- DLSU Libraries
- DLSU Website
Home | About | FAQ | My Account | Accessibility Statement
Privacy Copyright
IMAGES
COMMENTS
This document provides a sample thesis format in Filipino to assist students writing their thesis. It outlines the typical sections of a Filipino thesis, including the introduction, literature review, methodology, results and discussion, conclusion, bibliography, and appendices. Navigating the specific requirements of writing a thesis in Filipino is challenging and requires both linguistic ...
PANGANIBAN-NOEL unanimously approved the thesis entitled “Work Life Balance and Organizational Commitment of Nurses in a Tertiary Hospital in Las Vegas, USA.” The thesis attached hereto was defended on May 5, 2020 at UPOU Learning Center in Manila for the degree of Master of Arts in Nursing is hereby accepted. PANEL SIGNATURE
This paper is divided into three parts: the first part introduces Quito as one of the country's unique philosophers who aspired for the greater glory of the Filipino people; the second part features her thoughts on Filipino identity and decolonization as the ultimate symbol of her intellectual journey as a philosopher and patriot; and lastly ...
Mar 15, 2014 · 1. 1 Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa Isang pananaliksik na iniharap para kay G. John Rey O. Depone Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks) Nina: Hillaine Marie B. Alumia Mark Anne L. Entena Naiseil M. Tamunday Dian Tibay John Michael Escuadro James Ryan Martin Marso 2014
Format-thesis-filipino. Eda Angela Rosales. visibility … description. 61 pages. link. 1 file. See full PDF download Download PDF. Related papers.
AN ANALYSIS OF TAGALOG-ENGLISH CODE-SWITCHING by Joseph D. Lesada A thesis submitted in partial fulfillment of the requirements for the degree of Bachelor of Arts with Honors in Linguistics University of Michigan Department of Linguistics Winter 2017
Kroeger — Phrase Structure and Grammatical Relations in Tagalog Abstract This dissertation presents an analysis of Tagalog within the framework of Lexical-Functional Grammar. Tagalog is a non-configurational language in which the grammatical subject does not occupy a unique structural position. Nevertheless, the grammar of Tagalog makes crucial
Follow. Theses/Dissertations from 2024 PDF. Sipat-danas ng court interpreters sa Metro Manila: Perspektiba, praktika at polisiya, Meryn Lainel B. Moya. PDF. Ang pagsusuri sa naratibo ng agam-agam mula sa mga piling ahente ng BPO sa kalakhang Maynila ukol sa "Work From Home" sa panahon ng new normal, Bryan Elijah D. Trajano
PDF. Uswag kalinangan tungo sa pagbuo ng mungkahing programa para sa mga Mulusiyano sa Pamantasang Notre Dame, Jun Yang Badie. PDF. ImaheNasyon: Mga maikling pelikula ng Cinemalaya (2005-2020) at ang pagharaya ng bansa, David R. Corpuz. PDF. Sosyolingguwistikong paglalarawan ng varayti ng tagalog sa lungsod ng Lipa, Robelyn Penid Cunanan. PDF
This document discusses the challenges of writing a thesis and provides guidance on seeking assistance. Some of the most difficult aspects of writing a thesis are getting started, establishing a clear research problem in the introduction chapter, and dealing with linguistic and cultural complexities for Tagalog theses. The document recommends seeking professional assistance from HelpWriting ...